Elaeocarpus ay isang sari (genus) ng mga tropikal at subtropikal na mga puno at palumpong na laging-lunti ang mga dahon. Umaabot sa may 350 uri ang mga ito na nakalat mula sa Madagascar sa gawing kanluran hanggang India, Timog-silangang Asya, Malesia, katimugang Tsina, at Hapon, maging mula sa Australia hanggang New Zealand, Fiji, at Hawaii sa silangan. Pinakamarami ang mga bilang ng mga uri nito sa mga pulo ng Borneo at New Guinea. Ang Elaeocarpus ganitrus, o Punong Rudraksha, ay nagbubunga ng mga butil na tinatawag na Rudraksha na itinuturing na banal sa pananampalatayang Hinduismo.
Developed by StudentB